ANG BUHAY NG SENIOR HIGH
Minsan may mga bagay tayo na akala natin alam na natin pero sa ating pagtuntong ng paaralan duon
mo marerealize na marami pa talaga tayong dapat malaman, tuklasin sa ating sarili at kakayahan.
May mga bagay tayo na akala natin hindi natin kayang gawin pero yung totoo kaya naman talaga
natin itong gawin at ipakita may mga dahilan lang talaga gaya ng pagiging tamad minsan,mahina
o sa madaling salita duwag.Lahat yan nararanasan natin at may mga kanya-kanya tayong katangian
bilang isang estudyante. Pero sabi nga ng nakararami walang imposible kung ikaw ay magsisikap na
makamit ang iyong mga pangarap at isa ako sa naniniwala sa kasabihang iyon. At sa mga karanasan na iyon duon tayo natututo at unti-unting nadedevelop ang ating kakayahan. Ang pagiging isang estudyante ay masaya lalo pa at kasama ang mga kaibigan andiyan ang kalokohan gaya ng asaran at syempre hindi mawawala ang problema yun ay ang pagdating ng exam andiyan ang ilang mga maririnig mo na nag review ka ba? Sana makapasa ako sa exam o kaya naman gayahan tayo mamaya ha?At kapag ganon may kanya-kanya nang puwesto sa upuan.Yan ang buhay ng mga senior high
At sa ating pagtatapos duon lang natin marerealize na masayang maging senor high school student andiyan yung mamimis mo yung mga kaklase mo na mga pasaway,makukulit,at syempre yung crush mo na lagi mong kaasaran.At higit sa lahat yung mga tao na nagpapasaya sayo parati walang iba kundi yung mga kaibigan mo na laging andiyan para tulungan ka at suportahan mapakatangahan man o problema. Kasali din syempre na maaalala mo ang magulang mo na nagpaaral sayo pati na rin ang mga naging guro mo na hindi ka sinukuan sa kabila ng pagiging pasaway mo sa klase lahat yon mamimis at babalikbalikan mong alalahanin kasi dahil don nagkaroon ka ng karanasan at natuto ka sa maraming bagay.
Comments
Post a Comment