ANG BUHAY NG SENIOR HIGH Minsan may mga bagay tayo na akala natin alam na natin pero sa ating pagtuntong ng paaralan duon mo marerealize na marami pa talaga tayong dapat malaman, tuklasin sa ating sarili at kakayahan. May mga bagay tayo na akala natin hindi natin kayang gawin pero yung totoo kaya naman talaga natin itong gawin at ipakita may mga dahilan lang talaga gaya ng pagiging tamad minsan,mahina o sa madaling salita duwag.Lahat yan nararanasan natin at may mga kanya-kanya tayong katangian bilang isang estudyante. Pero sabi nga ng nakararami walang imposible kung ikaw ay magsisikap na makamit ang iyong mga pangarap at isa ako sa naniniwala sa kasabihang iyon. At sa mga karanasan na iyon duon tayo natututo at unti-unting nadedevelop ang ating kakayahan. Ang pagiging isang estudyante ay masaya lalo pa at kasama ang mga kaibigan andiyan ang kalokohan gaya ng asaran at syempre hin...